POPULAR POSTS

PARTNER SITES

Test Footer 2

SUBSCRIBE BY E-MAIL

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Lionheart Movies

↑ Grab this Headline Animator

Wan't this Badge?

You Are Here: Home » Gay Themes , Indie Film , Pink Movies , Sex Movies » Quick Trip


The original title of this Cris Pablo was Quickie but the Movie and Television Review and Classification Board had the title reworked. Now called Quicktrip, this movie tells the story of two bisexuals named Cris (played by Topher Barretto) and Andro (Andro Morgan).

Start: Sep 3, '08 1:00p
End: Sep 9, '08 11:00p
Location: Robinson Galeria IndieSine, Ortigas Avenue, Quezon City, Philippines

SYNOPSIS


Mula sa Sinehan Digitales (dating Grupong Sinehan), a group known for starting local queer indies, comes another personal film from indie filmmaker, Cris Pablo.

Karaniwan nang tema ng mga pelikula ni Direk Cris ang tungkol sa mga bading na sadlak sa kahirapan, pero ang Quicktrip na nakatakdang mapanood sa IndieSine Robinsons Galleria simula sa September 3 ay kakaiba sa pagiging personal, dahil may pagka-autobiographical nga ito kung buhay ng nabanggit na direktor ang pag-uusapan.

"'Yun nga lang, ang main character dito ay ginawa kong mas bata, bading na hindi halata," kuwento ni Direk Cris nang makausap namin siya.

"Isa siyang waiter na typical breadwinner, na ibinibigay ang suweldo sa kayang pamilya, na nagkakasya na lang siya sa katiting na matitira sa kinikita niya."

The conflict arises when the lead character's boyfriend, who's working as a call center agent and earning much more, wants to settle with him in a live-in arrangement.

"Hindi niya ma-afford ang ganoong set-up, so in a funny way, sinundan ng pelikula ang nangyari sa kanya in a particular day-off.

"Naghintay na siya ng buong maghapon para ma-solve 'yung conflict nila ng partner niya, pero wala pa rin. So, he decided to watch a movie," kuwento pa ni Direk Cris.

Ipinakita pa sa pelikula ang kung anu-anong nakatutuwang situwasyon ng panghahalay sa loob ng sinehan.

"Naaala pa rin niya ang lover niya, pero sa paglabas niya ng sinehan, makakakilala siya ng isang guwapong lalaki. At doon na iikot ang kanyang mundo," sabi pa ni Direk.

Lahat ng tungkol dito ay batay rin naman sa mga kuwento rin ng iba pang mga kakilalang bading ni Direk Cris sa tunay na buhay, na gaya niya, breadwinner din, na ang puntong ito ay laging sumasagabal sa kanilang pakikipagrelasyon.

Doon na masusundan ang mga kaganapan sa buhay nina Cris (as played by Topher Barretto) at Andro (Andro Morgan), dalawang typical bisexuals sa paghahanap kung paano at saan sila magsi-sex.

Isa sa isyung lumalaganap ngayon sa indie cinema na may kaugnayan sa Quicktrip ay ang pagkakaroon nito ng controversial masturbation scene.

Ipinaliwanag ni Direk Cris kung ano ang significance ng puntong ito na hindi lalabas na pang-e-exploit lamang.

"Wala namang masturbation scene actually," paglilinaw ni Direk. "Kailangan lang kasing maramdaman ng audience, sa buong maghapon at magdamag nilang paghahanap, kung paano maga-gratify ng central character ang sarili niya sexually and emotionally, in a quick manner.

"'Yun ang intention ng pelikula. May twist kasi ang pelikula na hindi puwedeng i-reveal. Pero, ang point ko lang, kapag nilalabasan ang isang lalaki, roon natin siya higit na nakikilala, katulad din ng sandaling namamatay na siya. Roon madalas na makikilala ang pagkatao niya," pahayag pa ng direktor.

Mapapanood ang Quicktrip simula September 3, 2008 sa IndieSine, Robinsons Galleria.


This is the Trailer of this Movie
Courtesy by
crisaldopablo

A blue collar worker young gay is the provider for his poor family and because he is often short in cash, his partner decides that he is no fun and dumps him. He tries to woo him back but when everything seems to have turned dreary in his love life, a handsome stranger comes into his life.

1 comments

  1. cris pablo: nakahawak lang ng digital na video eh cinematographer na, director na at kung ano pa. kaya basura mga palabas sa pilipinas sa dami ng baklang hindi maabot ang pantasya sa kabaklaan. indie films in the philippines is synonymous to pornography-everything is senseless, tasteless, GARBAGE! no wonder, all film festivals around the world already disqualifies films if it comes from the philippines.

Post a Comment

Label 4