You Are Here: Home » Box Office , MMFF , Weekend Gross » MMFF 2010, nakalikom ito ng P530 million sa kabuuan ng filmfest season!
According to Mr. Ric Camaligan, miyembro ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival ang official box-office results ng mga pelikulang kalahok sa katatapos na filmfest.
Tuwang-tuwa itong ibinalita na sa pagtatapos ng filmfest, nakalikom ito ng P530 million at masasabing ito na ang pinakamataas na kinita ng MMFF sa loob ng 36 na taon.
Ang top grosser na Si Agimat at si Enteng Kabisote ang may pinakamataas ding kinita at record-breaker ito.
Umabot ng 159 million pesos ang kinita nito, at record-breaker din daw ang first-day earnings nito na umabot ng 32 million pesos.
Malaking bagay ang paghakot ng awards ng Tanging Ina Mo, Last na ‘To kaya humabol at dumikit pa sa Agimat - umabot din ito ng157 million pesos.
Pumangatlo ang Dalaw na kumita ng 96 million pesos at pang-apat ang Shake, Rattle and Roll 12 na naka-50 million pesos.
Hindi na inilabas ng MMFF ang kinita ng iba pang entries dahil showing pa ito sa ilang sinehan. Baka makaapekto pa raw dahil hindi ito gaanong kumita kumpara sa apat na pelikulang nabanggit.
Share
0 comments