POPULAR POSTS

PARTNER SITES

Test Footer 2

SUBSCRIBE BY E-MAIL

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Lionheart Movies

↑ Grab this Headline Animator

Wan't this Badge?

You Are Here: Home » ABS-CBN , Charo Santos Concio , Jose Manalo , Star Cinema , Wally Bayola » Jose and Wally asked by Charo Santos to do a movie


May posibilidad maging talent din ng ABS-CBN sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Ayon kasi sa kuwento Jose, kinausap daw siya ni Charo Santos-Concio kung puwede silang gumawa ng pelikula ni Wally na sila mismo ang bida.

Hindi raw agad nakasagot si Jose sa narinig at biniro na lang ang Kapamilya lady boss na baka joke-joke lang ‘yun. Pero inulit daw ni Ms. Charo kung puwede silang gawan ng movie at kakausapin daw nito si Tony Tuviera para sa naturang project.

Pero ayaw munang mag-expect nina Jose at Wally dahil ‘di pa naman daw inilalatag sa kanila ang project.

Kung sakali naman daw seryosohin ng Dos ang pagbibigay sa kanila movie project, malugod daw nila itong tatanggapin.

Maliban sa movie project, willing din silang gumawa ng TVshow sa Dos kung aalukin din daw sila.

Pero siyempre ang makikipag-deal dito ay ang manager nilang si Malou Choa-Fagar.

Tsika pa ni Jose, kung bakit behave na behave sila ni Wally nu’ng pumasok sila sa compound ng ABS-CBN, dahil nahihiya raw sila sa pagtapak nila sa bakuran ng Kapamilya kung saan ginanap ang presscon ng movie nina Vic Sotto at Bea Alonzo na Pak! Pak! My Dr. Kwak!, na kasama sila sa cast. Gusto raw kasi nila na maging pormal ang una nilang pagpunta roon.

Inamin din ng dalawa na kung naging binata lang daw sila, pasado sa panlasa nila na maging wife si Pokwang dahil napakahusay raw nitong magluto.

Hindi nga raw nila makalimutan ang laing na niluto nito noong nasa location sila ng movie.

Share

0 comments

Post a Comment

Label 4