Matagal na palang tumatanggi si Alessandra de Rossi na makipag-kissing scene sa TV at pelikula.
Hindi naman daw siya nagpapaka-sweet o pa-demure effect pero ayaw na lang daw niya talaga na makikita pa sa publiko ang mga ganu’ng gawain na dapat ay pribado na lang.
“Na-realize ko after ilang beses na muntik na akong mapaaway sa set. ‘Yung, ‘Ayan, direk, ha, pagbibigyan ko kayo para walang away pero take one lang, ha?’ Biglang take two natin kasi ganyan.
Ay! Wala na! Mainit na ang ulo ko.
“Ayoko nang maulit sa ganu’ng klaseng sitwasyon, kasi, ako lang ang magmukhang masama. So, huwag na lang nating gawin para everybody happy,” pahayag ni Alessandra.
“May mga eksenang hindi talaga maiwasan like weddings, ‘yung mga nakaw na halik, ganyan. Paminsan-minsan siguro, smack, ganu’n.
“Pero ‘yung open mouth, ayoko na talaga.”
Hindi maiwasang mapapasabak siya sa ganu’ng eksena lalo na’t may pagka-daring ang role niya sa Sinner or Saint.
Aware sila na ayaw na niya ng ganu’ng eksena kaya dinadaya na lang nila.
“Gaya nu’ng love scene namin ni Dennis (Trillo), sobrang daya na hindi man lang kami nag-kiss, tapos, biglang may lipstick siya sa may taas ng labi.
“Ayan, Dennis, saan nanggaling iyan? Pinagtawanan na lang namin. Pero alam naman ni Dennis na sa Darna pa lang, problema na nila iyan,” kuwento ni Alex.
Samantala, ipinagmamalaki ni Alessandra ang pelikulang Busong ni direk Aureaus Solito na entry sa Director’s Showcase sa Cinemalaya Film Festival.
Doon pa lang sa Cannes International Film Festival ay proud na proud na siya nang binigyan sila ng 10-minute standing ovation pagkatapos ng screening.
Sana, ganu’n din ang pagtanggap dito sa atin.
Itong pelikula kagaya ng Busong ang masasabing nagagawa ni Alex ang pagiging artist niya.
“Hindi naman ako makakaipon dito sa Busong, eh. Sa paggawa ng indie films, wala naman talagang pera. Kanya-kanyang ano naman iyun, eh. ‘Yung art mo, darating sa ibang bagay.
“Kung sa mainstream, wala kang makuha dahil iyun lang ang ginagawa mo, eh ‘di pera, ‘di ba?
“Kasi sa indie films, wala kang napi-please kundi sarili mo. Sa mainstream naman, ang napi-please mo, ang audience.
“Sad to say, iba talaga ang taste namin, eh. Kung ano ang maganda sa amin, hindi maganda sa nakakarami.
“Siguro, ganu’n lang talaga ako mag-isip o baka ibang mundo lang talaga ako. Eh ‘di ganu’n na lang nga! Pero binibigay ko naman ang gusto ng masa, eh!” lahad ni Alessandra.
Ang Busong ay co-produced ng Alternative Vision Cinema ni Alfred Vargas.
Impressed si Alfred sa trabaho ni direk Aureaus kaya pinag-uusapan na nila ngayon ang isa pang project na muli nilang pagsasamahan at excited na siyang gawin ito dahil ibang-iba raw sa mga dati niyang ginagawa.
Share
You Are Here: Home » Busong , Cinemanila International Film Festival , Dennis Trillo , Indie Film » Busong, tampok sa Cinemalaya Film Festival 2011
0 comments