POPULAR POSTS

PARTNER SITES

Test Footer 2

SUBSCRIBE BY E-MAIL

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Lionheart Movies

↑ Grab this Headline Animator

Wan't this Badge?

You Are Here: Home » Jennylyn Mercado , MMFF , Rosario » Jennylyn Mercado plays a woman ahead of her time in period film Rosario


Parang bumalik ang entertainment press, kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 1920s, nang dalawin nila ang set ng period movie na Rosario sa isang malaking mansyon sa Forbes Park kahapon, September 4. Isang party scene iyon sa pagbabalik ng bidang si Rosario (Jennylyn Mercado) mula sa Amerika at costume to the max ang lahat ng mga characters, ang buong cast at ang kanilang mga special guests.

Sa aming palagay, ang Rosario, na produced ng Cinemabuhay at first full-length directorial job ng actor-producer na si Albert Martinez, ang unang matatapos sa eight entries ng darating na Metro Manila Film Festival. Two shooting days na lang at tapos na sila.

LIBERATED WOMAN. Tumanggi pala muna sa mga offers si Jennylyn Mercado habang ginagawa niya itong Rosario, na original ang screenplay.

"Nang tanggapin ko po ito, nag-decide akong huwag munang tumanggap ng bagong soap, after ng Gumapang Ka Sa Lusak namin ni Dennis [Trillo] sa GMA-7, at mag-concentrate muna sa movie," sagot ni Jennylyn nang makausap namin habang nagpapahinga sila sa isang malaking receiving room ng mansion.

"Kahit po ang Party Pilipinas ay hindi ko na rin napupuntahan kahit every Sunday lamang iyon. Thankful nga po ako sa kanila na pinayagan nila akong hindi muna mag-report. Pero ngayong matatapos na kami, makababalik na po ako sa show."

Gaano ba kahirap ang role ni Rosario para ipagpalit muna niya ito sa bagong project niya sa GMA?

"Mahirap po na masarap," nakangiting kuwento ni Jennylyn. "Hindi po naman ako basta kinuha nila, nag-audition din ako, nag-script reading. Alam ko pong malaki ang expectations nila sa akin, kaya po inihanda rin nila ako sa role ko.

"Nag-attend ako ng workshops, nag-attend ako ng Spanish class dahil 1920 nga ito, may mga Spanish dialogues. Ang maganda lang dito sa movie namin, ang damit at buhok lang namin ang 1920s—maaga akong pumupunta sa set, kasi apat na oras po inaayos ang buhok ko—pero ang dialogues namin, modern times na.

"Isa pong liberated woman si Rosario. Kung hanggang paa ang damit ng mga babae sa Pilipinas ng panahong iyon, siya ay naka-mini na, hanggang tuhod ang length ng damit niya. Lumaki at nag-aral sa Amerika. Ang lakas ng appeal niya, lapitin siya ng mga boys, kung ano ang gusto niya nakukuha niya. Marami siyang nakarelasyon at may mga naging anak siya sa iba't ibang lalaki.

"Marami pong sensual scenes dito, siguro mga 30 to 40 percent ng movie, pero ang husay ni Direk Albert. Kapag pinanood mo sa monitor after ng take, hindi siya malaswa, very classy, may taste ang bawat scene."

THUMBS UP FOR DIREK ALBERT. "A very meticulous director," ang pag-describe ni Jennylyn kay Albert. "Pero ang husay po niya, tutok siya sa aming lahat, grabe ang haba ng pasensiya niya. Hindi mo siya narinig na nagalit o nagreklamo. It's an honor for me na naging direktor ko siya. Sana po maging direktor ko siya ulit."

Kasama rin ni Jennylyn sa Rosario sina Dennis Trillo, Isabel Oli at Yul Servo.

Naitanong kay Jennylyn kung ano ang naging effect sa kanya nang maayos na ang problema nila ni Patrick Garcia at nagkita na ito at ang anak nilang si Alex Jazz o AJ?

"Mas peaceful na po ang feeling ko, wala na akong iniisip, magaan na ang lahat."

Nagkikita na ba silang madalas ni Patrick lalo na pag kinukuha nito si AJ?

"Hindi na po naman kailangang magkita kami kapag kinukuha niya si AJ. Kahit po naman wala ako sa bahay o kahit pa nandoon ako, ibinibigay naman si AJ ni Mommy Lydia kapag dumating siya sa bahay para sunduin ang bata."

KISSING SCENES. Sa shooting na lamang ba ng Rosario sila nagkikita ni Dennis?

"Hindi naman po, kasi six shooting days lamang si Dennis dito, at tapos na siya. Nagkikita pa rin naman kami kapag wala akong shooting at wala rin siyang taping ng Endless Love."

Ikinuwento namin kay Jennylyn na biniro namin si Nadine Samonte tungkol sa kissing scene nito kay Dennis sa Endless Love.

"Naku, wala po naman iyon, pare-pareho kaming artista at kasama po iyon sa trabaho namin. Ako nga, dito sa Rosario ang daming kissing scenes," natatawang wika ni Jennylyn.

Share

0 comments

Post a Comment

Label 4