Marami ang nagtataka kung ano ang naging selection process ng Board of Jurors ngayong taon para sa 36th Metro Manila Film Festival. Kagabi ginanap ang Gabi ng Parangal sa Meralco Theatre sa Pasig City.
Naging usap-usapan ngayon kung bakit iba ang resulta na lumabas mula sa mga predictions ilang araw bago ang awards night.
According to Butch Francisco, who is a member of this year’s Board of Jurors, iba daw ang naging criteria ng Best Picture ngayong taon compared sa mga nagdaang taon.
Napili ang pelikula ng Star Cinema Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To as Best Picture of the festival. Second Best Picture naman ang Rosario ng Cinemabuhay na early favorite na humakot ng major awards.
“We were following a set of criteria which was given to us by the MMDA (Metro Manila Development Authority). This was really for the festival,” pahayag ni Butch after ng awards ceremony kagabi.
“Seventy percent was technical excellence and artistic value. Thirty percent was for family and cultural values.
Naging mahirap daw ang trabaho sa pagpili ng nila since they had to review all the eight entries. Mas pinahirap pa since he also reviewed the five other films in the independent film category this year.
“It was a difficult job. After every viewing, we submitted the ratings sheet. Lowest was 75. Highest was 100.”
Opinyon pa niya, “Had they included Presa [starring Anita Linda], it would have been the Best Picture for me. But Presa was in another category.
Author: Paul Mata
Share
But how can you explain ne Rosario's lead role Ms. Jennylyn Mercado was not EVEN nominated for Best Actress. Yun po ang pinakamalaking palpak na nagawa ng MMFF. Kahit naman po sana hindi nanalo kasi mga 'tatak' na ang kalaban niya, pero karapat dapat po talaga na kilalanin ang pag-ganap ni Ms. Mercado dun. Marami talaga ang nagtataka kung bakit hindi siya nanominate. Mas marami naman po ang satisfied sa Best Picture. Pero malaking palaisipan talaga kung bakit hindi man lang siya nominated, for the least. Tsk tsk, ang sayang ng effort niyong magbigay ng Awards. Pero sa bagay, hindi niyo naman nirerepresent ang buong bansa eh. Hindi porke't yun ang nagustuhan niyo, eh yun na rin ang nagugustuhan ng marami. Kwentahan na lang sa kita, sa total 'negosyo' lang naman talaga ang lahat ehh. Next year kung ganyan pa rin kayo magjudge, matulog na lang kayo. Para kasi kayong malaking 'joke'. Mr. Butch Francisco, I love you po. I'm not saying this for you personally, I'm telling this to the whole MMFF organizers. More power!