You Are Here: Home » Aga Muhlach , Angel Locsin , Box Office , In the Name of Love , Star Cinema , Weekend Gross » In the Name of Love,kumita ng 92M sa anim na araw
Nakita namin sa event ng BNY jeans kina Barbie Forteza at Joshua Dionisio si Wilbur Hernandez ng Star Cinema at agad na kinumusta kung magkano na ang box office take ng In the Name of Love.
"As of today (nitong nakaraang Martes), naka 92M na ang movie," kuwento niya." Bukas (Miyerkules) pa mabubuo ang one week namin pero malapit na kaming maka-100-M,kaya masyang -masaya ngayon sa office."Mabilis ang pasok ng moviegoers sa pelikulang Pinoy lalo na kung magaganda ang rebyu.First day pa lang,nagluluksuhan na sa tuwa sa Star Cinema office," kuwento pa ni Wilbur .
"Big risk din kasi ang ginawa ni Direk Olive sa movie,kasi sabi nya iibahin niya ang pelikula sa ordinaryong drama.Kinagat ng viewers,kaya masaya sa opisina ngayon."
Share
CONGRATZ SA INYONG TATLO AT SA STAR CINEMA PATI NARIN SA DIRECTOR NYO AT ANG LAHAT NG NASA LIKOD NG PROYEKTONG ITO,,,TWO THUMBS UP KAPAMILYA,,,,