POPULAR POSTS

PARTNER SITES

Test Footer 2

SUBSCRIBE BY E-MAIL

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Lionheart Movies

↑ Grab this Headline Animator

Wan't this Badge?

You Are Here: Home » Aga Muhlach , Angel Locsin , Star Cinema » Aga Muhlach is ready to do a “sensual” movie with Angel Locsin


Nagkita na ang bagong tambalan sa pelikula mula sa Star Cinema na sina Aga Muhlach at Angel Locsin sa kanilang dance rehearsal last February 25, Thursday. May mga eksena raw kasi sa movie kung saan sasayaw sila ni Angel kaya naman excited na si Aga na magtrabaho ang bago niyang leading lady. “Kailangan kasi sa movie ‘yung mga sayaw. May mga dance number. Tungkol kasi sa ganu’n ‘yung movie. Magsisimula kaming mag-shoot on March 15,” bungad ni Aga.

Bakit kailangan ng dance numbers sa movie nila ni Angel? “Basta, iba, iba talaga. Senswal. It’s a sensual movie. It’s dark.” Ibig sabihin marami silang daring scenes ni Angel sa movie? “Yes, I think so. Olive Lamasan is going to direct the movie. Sabi ni Olive, kung gagawa siya ulit sa akin, she wants something different.”

Ano naman ang reaksyon niya na iisa na lang din ang manager nila ngayon ni Angel na si Ethel Ramos? “Oo nga, e. At least hindi malulungkot si Tita Ethel. Kasi parang nahihirapan na siya na kontakin ako,” sabay tawa ni Aga. Dagdag pa niya. “So, ang kukulitin na niya ngayon si Angel. Hahaha!”

Malapit na ring mapanood ulit si Aga sa telebisyon. This time, ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai de las Alas ang magiging kapareha niya for the first time. “Tama, hahaha! Siyempre, excited na ako to work with Ai-Ai. Ako nga ang nagpipilit sa kanya ‘no… Oo, ako ang nagsabi talaga, si Ai-Ai gusto ko makasama. Sinadyes ko talaga. Matagal na kasi kaming gagawa sana ng movie noon, hindi matuluy-tuloy. So, sabi ko, sa TV na lang. Kasama ko rin si Bea (Alonzo). Kaya ako, si Bea at si Ai-Ai.”

Kung anong klaseng show ito ay ayaw pa ibulgar ni Aga. “Basta, serious ito, serious. Hindi ito sitcom. Serious ‘to. It’s a serious show na once a week lang lalabas for six months. But it’s not a sitcom. Iba siya, It’s like ‘yung American shows, ‘yung once a week na show. Parang ‘yung Grey’s Anatomy once a week, continuous… It’s very light, it’s nice, and it’s heartwarming. Iba naman. Hindi katulad nu’ng ibang shows.”

Tila naiba din ang unang pasya ni Aga na ayaw niyang gumawa ng TV drama. “Hindi naman sa ayaw, kasi once a week pa rin naman siya. ‘Tsaka hindi naman drama ito. It’s called a series lang. Parang drama, it’s serious, meaning it’s not slapstick. So it’s warm, it’s heartwarming, nakakatawa, nakakatuwa. Pero ‘yung dramang iyakan, walang ganu’n.”

Tungkol naman sa pagpili niya kina Ai-Ai at Bea na makasama sa bagong TV show niya ay sinabi ng aktor na, “Para maiba. Kasi hindi ko sila nakakasama sa movie. So it’s nice also. I’m happy naman that they say yes all the way.”

Hindi rin makakasama ni Aga ang dalawa sa pelikula sa ngayon dahil may ginagawa pa siyang ibang movie projects. “E, wala. May ginagawa na ako kasi with Regine (Velasquez). May Angel, tapos may Lea (Salonga) pa.” Malapit na ding matapos gawin ang pelikula kung saan niya kasama si Regine.

Malapit na ring maging lolo si Aga dahil ikinasal na ang anak nila ni Janice de Belen na si Igi Boy. “This time, I’m just happy that you know, he said his piece now. He’s enjoying his life with his wife and they will have a kid. So it’s going to be good for him. So, anything that’s good for him, I’m happy,” tapos ni Aga.

Share

0 comments

Post a Comment

Label 4