POPULAR POSTS

PARTNER SITES

Test Footer 2

SUBSCRIBE BY E-MAIL

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Lionheart Movies

↑ Grab this Headline Animator

Wan't this Badge?

You Are Here: Home » Julia Montes , Philippine Movies , Star Cinema , Way Back Home » Julia Montes, puring-puri ni Direk Jerry Lopez Sineneng


Laking gulat ni Julia Montes nang sabihin ni Derek Jerry Lopez Sineneng sa harap ng mga movie press sa presscon ng “Way Back Home” ng Star Cinema na ang aura at acting niya ay inihahalintulad kay Claudine Barretto at hindi kay Glady’s Reyes na siyang orihinal na Clara.

“Kaya nasabi ko na magiging Claudine si Julia kasi nga kahit kontrabida ang role niya sa nasabing pelikula nakikita ko na aangat siya dito bilang isang tunay na actress,” sambit pa ni Derek.

Hindi makapaniwala si Julia nang banggitin ito ni Derek sa harap mismo ng movie press na siya nga ang makabagong Claudine, kaya nahihiya siya kasi nga super idol niya ang aktres bago pa siya pumasok sa showbiz.

“Isang malaking hamon sa aking kakayahan bilang baguhang artista ang paghalintulad ni Derek kasi nga alam naman natin lahat na isa siyang magaling na actress, kaya kahit kalahati lang ng kanyang showbiz career ang masundan ko, tuwang-tuwa na ako”, sambit pa niya.

Para patunayan ni Julia na talagang idol niya ang magaling na actress sinabi niyang gustung-gusto niya ang pagganap nito sa pelikulang “Anak” kung saan isa siyang prodigal daughter na mapagmahal at madaling magpatawad.

Kaya mild lang ang talakan nina Julia and Kathryn Bernardo sa nasabing movie kasi nga inalagaan ng director ang kanilang career dahil gusto niya na pareho silang bida rito at hindi tatatak sa movie goers na may lalabas na kontrabida di tulad sa teleseryeng Mara/Clara na mayroong identity ang bida at kontrabida. Alam mo na!!!


Share

3 comments

  1. Future leading star of ABS CBN and I'm looking forward for that day to happen.

  2. Talaga naman may future itong batang ito.

  3. Oo nga eh kahit kami napapahanga at nagulat na 16 years old pa lang ang batang ito kahit na ang pinoportray nyang character ay housewife na.

Post a Comment

Label 4