You Are Here: Home » Anne Curtis , Babe I Love You , Drama Stories , Romance Stories , Sam Milby , Star Cinema » Sam and Anne, anticipating their love scene shoot for ‘Babe I Love You’?
Happy si Anne Curtis sa pagsho-shoot niya ng first movie nila ni Sam Milby sa Star Cinema na Babe, I Love You sa direksyon ni Mae Cruz. Dahil dito kasi natuto na si Anne na mag-drive ng kotse na manual. “Drive ng ano, manual. Hindi kasi lagi kong hinihirit kay Sam, mayroon kasi kasing scene na car, ‘yung nagdri-drive ako with matching ano ang gagamitin, tapos umm, lagi siyang nagrereklamo siya na parang natatakot kasi ako ‘yung nagda-drive, e. Tapos hiniritan ko talaga siya, ‘Well, hindi mo kasi ako tinuruan mag-drive ng manual noon. Kaya ngayon dusa ka, eto pa ako natututo ngayon. Ayaw niya kasing ipa-drive ‘yung sobrang maganda na bago niyang kotse noon,” lahad ni Anne sa pictorial ng Babe, I Love You.
Sagot naman ni Sam, “Basta ako happy na happy ako na hindi ko siya tinuruan sa orange car ko kasi tiyak sirang-sira na siya kung tinuruan ko siya ngayon. Sa sobrang ano, as in naawa ako sa kotse na ‘yan na ginagamit namin sa movie. Naawa talaga ako. Sirang-sira na, ‘yung break, ‘yung clutch wala na,” natatawang kwento ni Sam. Sabay sabat naman ni Anne,“Hindi kasi, in fairness, ‘yung eksena talaga ano hataw,” na sinagot muli ni Sam ng, “Hataw, hindi sira. Hindi sisirain ‘yung kotse.” “Hindi naman, kasi nag-stunt ako sa movie. Ako ang nag-drive,” tanggol ni Anne sa sarili.
Nagsalita naman ulit si Sam, “Kasama namin sa kotse sina Kitkat at Nina (Jose), lahat kami, tapos siya ‘yung nagda-drive, nagre-reverse (siya), lahat kami ano, takot na takot. Hindi na ‘yun acting, totoo na. Lahat kami nagsisigawan.” “Ahhhh!” natatawa rin na reaksyon ni Anne. “Ganu’n talaga sila kasi natatakot sila. Pero ako fun talaga for me,” paglalarawan ni Anne.
Gusto rin daw turuan ni Sam na mag-motorcycle si Anne kaso medyo dangerous daw dito sa Pilipinas ang pagmomotor. “Dito sa Pilipinas masyadong mapanganib,” matatas na Tagalog na sabi ni Sam. Kaya tinukso siya ni Anne, “Mapanganib!” “Malalim na tagalong ‘yun ‘no,” pagmamalaki ni Sam.
Napunta na ang usapan sa ilang eksena sa pelikula. May love scene ba sila sa movie? “Siyempre love stoy naman ‘to. Pero hindi pa nakukunan,” sagot ni Anne. Excited ata si Anne sa love scene nila ni Sam? “Ano ba ‘yun?!” natatawang sagot muli ni Anne. “Siyempre, okay lang,” ang sabi ni Sam. Mukhang excited din si Sam dito. “Ano beh (ba) ‘yen (‘yan)? Pa-girl bigla. Hahaha. Hindi, eh, siyempre it helps na comfortable kami kasi ilang love scene na ang nagawa naming noon. So, walang problema.”
Tinanong tuloy namin ang director ng movie na si Direk Mae kung may love scene pa ang dalawa since parehong hindi sila sigurado kung meron o wala. “Tingnan na lang natin,” ang misteryosong sagot ni Direk Mae. “Hmmm… the thing kasi doon sa love scene, sa Maging Sino Ka Man ginawa na kasi nila lahat ‘yun. I mean, sa hagdan, sa campsite. That’s why parang kami inaano pa namin ‘yung love scene, kung itutuloy kasi parang they’ve done it all, e. In MSKM, you know, sila ‘yung hot couple doon, e. For two years na umere ‘yun, ilang beses… nagka-cancer, nag-lovemaking pa rin. So, parang lahat na, mula umpisa hanggang mamamatay na lang may love scene pa rin sila doon,” pahayag ni Direk Mae. Wala na ba silang maisip na ibang klase naman na love scene for Sam and Anne? “Hindi naman sa walang maisip na bagong konspeto for the love scene but for the viewers parang ang importante kasi ‘yung to see them together again on screen, ‘yung love, ‘yung chemistry. It’s not so much the love scene,e, kasi ang importante rito ‘yung relationship.”
On the other hand, naitanong din namin kay Anne kung totoo ba na tutol siya na makatrabaho ni Sam si Maja Salvador ? “Huh? Sino ang maysabi na ayaw ko? Gusto ko nga, e. Kakasabi ko lang. Oo, hindi totoo ‘yun. Gusto ko siyang makatrabaho (ni Sam).”
Samantala, kadarating lang ni Sam from Japan kung saan nabalitang nag-date raw sila doon ng foreign singer na si Marie Digby. “Ay, hindi totoo. Hindi ko alam saan galing ‘yan. Hindi, ah, siguro, nakakatwa ‘yun, e. I think kasi sa Twitter. Kasi ako I’m a fan, siguro kasi I’m a big fan and she’s following me sa twitter, ‘yun lang. Kasi nalaman ng fans (ko) na nasa Japan ako and they know fan niya (Marie) ako. Hindi, walang ganyan, e. Never kaming nagkita,” tapos ni Sam.
Share
0 comments