Natutuwa naman si Judy Ann na nasama ang My HouseHusband sa mga pelikula na napili para sa MMFF.
Isa pa sanang pelikula ang gagawin niya para sa MMFF, ang Love Will Lead You Back, subalit hindi ito napasama sa napili.
Sabi ni Judy Ann, "Ako po kasi, naniniwala din po ako na pareho naman pong maganda 'yong project.
"Although hindi ko pa po nababasa 'yong story ng My House Husband, kampante po kami ni Ryan na basta si Direk Joey ang magsusulat, and since talagang maganda na rin 'yong team-up namin, alam naman namin na talagang magandang proyekto ang ibibigay niya sa amin.
"Ako po, either/or ang maipasok sa MMFF, masaya ako. Kasi, nabasa ko ang istorya no'ng [movie with] Coco [Martin], 'yong Love Will Lead You Back, talagang maganda rin naman po.
"Siguro, pinaubaya na lang din po namin sa MMFF kung ano din talaga ang sa palagay nila, e, mas papasok sa MMFF.
"Kung ano naman ang pumasok sa pelikula ko, pareho naman akong nandoon, e.
"Pero mas okay na rin sa akin na My House Husband ang pumasok kasi mas magaan. Mas gusto ko rin po ngayong taong ito na ang mga gagawin kong project ay mga ganito."
Share
Magsasama-sama sila Coco Martin, Enchong Dee, Martin del Rosario, Enrique Gil at Jake Cuenca sa isang movie na may kinalaman sa buhay ng ating mga kabataan ngayon.
Ang movie na iyan ay handog sa atin ng Star Cinema for next year.
Share
Hindi man nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2011 bilang entry ng Star Cinema dahil may conflict regarding sa lead stars nito, itutuloy pa rin ito ng Star Cinema pagkatapos ng MMFF.
Ito sana ang muling pagbabalik ng ating young superstar sa bigscreen pero makikita na agad siya sa MMFF entry niyang HouseHusband. Makakasama ni Judy Ann Santos sina Maja Salvador at Coco Martin.
Share
In Cinemas on MAY 26, 2010
Starring:
Coco Martin Erich Gonzales Joem Bascon Baron Geisler
Vice Ganda Cheska Billiones Cherrie Pie Picache
Directed By: Dondon Santos
Share




