Noong Marso pa inanunsyo ng Star Cinema ang pag-team up kina Sarah at Gerald sa isang pelikula subalit hindi ito maumpisahan dahil na rin sa pagsalang ni Sarah sa kantaseryeng “Idol” kung saan ay itinambal siya kay Sam Milby.
Ngayong maagang tinapos ang nasabing kantaserye at maaga na rin namang naipalabas ang movie nina Gerald at Kim na “Till My Heartaches End”, nagbigay na ng go signal ang Star Cinema at Viva Films para sa proyektong Sarah-Gerald.
Hindi kaya makatanggap din ng death threats si Sarah mula sa mga Kimerald fans gaya ng nangyari kay Bea Alonzo na nababalitang bagong girlfriend ni Gerald?
Share

0 comments